Petilla: Dapat maglunsad ang Comelec ng malawakang information campaign para sa mga botante

rob-reyes-senatorial-debate-20160408-16

Ilang linggo bago ang eleksyon sa May 9, hinimok ni LP Senatorial Candidate Jericho Petilla ang Commission on Elections (COMELEC) na maglunsad ng malawakang information campaign para sa mga botante.

Ang panawagan na ito ni Petilla ay kasabay ng pag apruba kamakailan ng Comelec na gawing mas maaga at mas mahaba ang voting hours.

“The casting of votes was changed to 6 am until 5 pm of election day. At the same time, Comelec also amended the call time for election inspectors in polling precincts. It’s now “not later than 5 o’clock in the morning of election day,” ayon kay Petilla.

Dahil dito ang mga vote-counting machines ay bubuksan sa May 9 nang hindi mas maaga sa alas singko ng umaga at kinakailangan andun na din ang mga watchers sa mga oras na iyon dagdag pa nito.

“While these new rules can be found in the Comelec’s amended general instructions for election inspectors, promulgated on April 12, this information is not yet known to most of our registered voters,” ang nag-aalalang pahayag ni Petilla.

Nababahala ang dating Gobernador ng Leyte na marami pa sa ating mg kababayan ang hindi nakakaalam sa mga bagong rules o patakaran na inilahad ng Comelec. Kaya nararapat lamang na maglunsad ang Comelec ng mas agresibo at malawakang kampanya para sa kaalaman hindi lamang ng mga kandidato kundi pati ang mga guro, inspectors, watchers at lalo na ang mga ordinaryong botante.

Image Source: Rappler.com