Petilla Hinimok ang OFWs na Lumahok sa Overseas Absentee Voting

Petilla Pushes Support for Film IndustryIlang araw bago ang halalan sa May 9, hinimok ni LP Senatorial Candidate Jericho “Icot” Petilla ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na hindi pa bumoboto na lumahok ang mga ito sa overseas absentee voting sa kani-kanilang mga lugar.

Ayon sa records ng COMELEC, itinatalang may 1.38 million na OFWs ang nagrehistro sa ilalim ng Overseas Absentee Voting Act para sa darating na halalan. Nuong 2010, nasa 26 percent lamang ang voter turnout samantalanf nuong 2013 ay bumaba pa ito sa 16 percent.

Ngayong taon, umaasa ang COMELEC na madadagdagan ang voter turnout ng ating mga OFW dahil ito ay presidential election.

“Umaapila tayo sa ating mga kababayan na may mga kapamilya at kaibigan na OFW, na himukin natin sila na gamitin ang kanilang karapatan na bumoto at pumili ng kanilang mga national leaders,” ayon kay Petilla. “Meron pa silang ilang araw para bumoto, subalit sana ay mas maaga ang pagboto na ito sa halip na pumunta sila sa araw ng eleksyon mismo o sa Mayo 9.”

Iginiit pa ng senatoriable na ang eleksyon ay isang malaking pagkakataun para sa ating mga OFW na marinig ang boses nila at makilahok sa ating democratic process.

Pinaalala din niya na sa ilalim ng Overseas Absentee Voting Act, ang mga OFW ay maaaring pumili lamang ng national candidates tulad ng Presidente, Bise Presidente, Senador at Party List.

Sakaling maihalal sa senado, isa sa mga isusulong ni Petilla ay ang pagkakaruon ng hiwalay na ahensiya ng gobyerno na tututok lamang sa kapakanan ng mga OFW. Aniya masyadong maraming isyu at problema ang OFW para maging isang sangay lamang sa ilalim Department of Labor and Employment o DOLE.