Petilla Isusulong ang Programa sa Libreng Birthing Clinics sa mga Barangay

P1030368

Sa gitna ng pagiging malaking hamon ng mga gastusin sa panganganak, naniniwala si Senatoriable Jericho Petilla na kaya at posibleng manganak ng maayos at libre kung mapapalawak pa ang programa niya na free birthing clinics sa buong bansa.

Sa isang panayam sa dating gobernador ng Leyte Province ay nabanggit ni Petilla na sa tulong ng kanyang maybahay na si Anne Basilio Petilla ay naisulong niya ang programang nagtaguyod ng mga clinics kung saan pwedeng manganak ng libre ang mga constituents niya. Ang mga clinic na ito ay libre ang serbisyo at kumpleto sa mga kagamitan at staff.

Dahil sa naging matagumpay ang programang ito sa probinsya ng Leyte, ito ay naisulong din sa ibang lugar sa labas ng probinsya. Sa ngayon ay tinatalang may 56 na birthing clinics na ang naitayo ni Petilla hindi lamang sa Leyte kundi pati sa Samar, Bukidnon, Pampanga, Pangisanan at iba pang probinsya.

Ayon pa kay Petilla na dadagdagan pa nila ang paanakan centers para mas marami pang matulungan na ina na walang pambayad sa pribadong hospital.

Nuong sya ay Governor ng Leyte, maraming natanggap na parangal si Petilla dahil ito ay naging ehemplo sa pagpapahusay ng medical services sa mga mahihirap na constituents sa kanyang lalawigan.