Petilla: Malabong Umusad ang Ating Ekonomiya kung Mataas ang Singil ng Kuryente

12833373_10208128302592667_929696927_nNagbabala si  Senatorial Candidate Jericho Petilla na malabong umusad ang ekonomiya ng ating bansa kung sobrang mahal ng singil sa kuryente. Ito ang binigyang-diin niya sa kanyang opening statement sa “The Leader I Want: The Senatorial Debate” sa AMA Computer School sa Quezon city.

Ayon sa dating Energy Secretary, ang Pilipinas ay isa sa may pinakamahal na presyo ng kuryente sa buong mundo at ang pangalawang pinakamahal sa buong Asian region. Ang bagay na ito ay isa sa mga nagiging hadlang kung bakit ang mga foreign investors ay umaatras sa pagdala ng negosyo sa ating bansa.

Dagdag pa niya na nanghihinayang siya dahil ang mga negosyo sana na ito ay malaki ang magiging ambag sa ating national revenue at makakapaglikha ng maraming trabaho para sa ating mga kababayan. Kung maraming trabaho dito sa atin aniya ay hindi na kailangan pang mangibang-bansa ang karamihan sa ating mga kababayan.

Sa harap ng mga estudyante ng AMA, iginiit pa ni Petilla na sayang lang ang kanilang mga diploma kung paglabas nila sa kolehiyo ay wala silang makuhang trabaho dahil kulang ang mga kumpanya na mamumuhunan sa bansa.

Sakaling mahalal na Senador, gagawin ni Petilla ang lahat para mapigilan ang power rate increase. Gamit ang kanyang kaalaman sa industriya, sisiguraduhin niyang marerepaso ang Electric Power Industry Reform Act o EPIRA Law at isusulong niyang maisabatas ang mga panukalang magpapababa sa singil sa kuryente.

“This country can not move forward with the very high power rates that we have. Is there a way of reducing power rates? There is. However, there is a need to reform our existing laws and legislate new laws that will ensure lower electricity,”  ayon kay Petilla.

Sa lahat ng Senatoriables, si Petilla lamang ang nagsusulong ng advocacy sa Energy at nanindigan na baguhin ang mga batas na nagiging dahilan sa mataas na singil sa kuryente.