Ilang araw bago ang halalan, hinimok ni LP Senatorial Candidate Jericho “Icot” Petilla ang mga kabataan na lumabas at bumoto sa Mayo 9.
Ayon sa records ng COMELEC, ang kabataan o tinatawag na millenials ay bumubuo ng malaking bahagi sa total registered voters sa halalang ito. Ang mga millenial voters ay ang mga botante na may edad na 35 taon pababa.
“Sa kasalukuyan ay halos kalahati ng ating 55 million registered voters ay mga tinatawag na millenial voters ayon sa data ng Comelec. Mayruon tayong 24.73 million registered voters aged 17 to 34 years sa ngayon,” ang pahayag ni Petilla.
“Ayon sa mga pag-aaral, ang youth participation ay malaking pwersa sa darating na halalan. Nasa kamay nila ang resulta ng halalan na ito kung kaya’t dapat silang mag-aaral at kilalanin ang kanila-kanilang mga kandidato,” dagdag pa niya.
“Umaapila tayo sa ating millenial voters na magsiyasat, makialam at makibalita upang lalo nilang makilala ang kanilang napupusuang kandidato,” ayon pa kay Petilla.
Sakaling maihalal sa senado, isusulong ng 3-term Leyte Governor ang mga programa niya sa youth and sports development na inumpisahan na sa kanyang probinsya.
One thought on “Petilla Hinimok ang Millenials na Lumahok sa Halalan”
Comments are closed.