Petilla Hinimok ang Comelec na Aksyunan ang Isyu sa Mindanao Transmission Bombings

ARTICLE
Nabahala si dating Energy Secretary Jericho Petilla sa impact ng mga serye ng pagpapasabog sa power transmission towers sa Mindanao.

Sa isang panayam ay sinabi ni Petilla na ang naturang insidente ay maaaring lumikha ng ispekyulasyon o hinala kapag ito ay nagpatuloy habang nalalapit na ang national elections sa darating na Mayo.

Ayon sa Senatoriable ng Liberal Party (LP),  hindi malayo ang posibilidad na samantalahin ng masasamang elemento ang mga pag-atake sa mga transmission towers para isabotahe ang eleksiyon.

Dahil dito ay hinimok ni Petilla ang Commission on Elections (COMELEC) na atasan ang PNP at AFP na dagdagan ang pwersa nito para sa seguridad ng mga nabanggit na pasilidad.

Dagdag pa ni Petilla na dapat din makipagtulungan ang local government units (LGU) sa mga pwersa ng PNP at AFP para siguraduhin na wala nang panibagong pag-atake sa mga transmission towers na ito.