Petilla Pabor na Wakasan ang Contractualization o Endo Policy

P1030432Sa isang panayam kay LP senatorial candidate Jericho “Icot” Petilla ay sinabi nito na pabor siya na wakasan na ang endo policy or contractualization.

Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Manggagawa, iginiit ni Petilla na panahon na para isulong ang batas na mag uutos na maging regular ang mga empleyado matapos ang isa hanggang limang buwan na pagtrabaho sa isang kompanya. Kasalukuyang laganap sa bansa ang contractualization dahil ito ay hindi pinagbabawal sa ating Labor Code, kaya oras na aniya na baguhin ang batas na ito na kadalasan ay inaabuso ng malalaking kompanya.

Ayon pa kay Petilla, maiiwasan din ang endo policy kung marami nang pabrika at negosyo sa bansa dahil ang mga employer na mismo ang maghahabol sa mga manggagawa. Pero aniya hanggang mataas ang singil sa kuryente sa bansa ay malabong maglagak o magdagdag
ng puhunan ang mga dayuhang investor dito sa atin

Sakaling maihalal na Senador, iginiit ni Petilla na isusulong nya ang panukalang puputol o magbabawal sa endo policy. Dagdag pa niya na isusulong niya ang mga batas na magbibigay ng karagdagang proteksiyon sa manggagawa pagdating sa labor cases.

Si Petilla ay kilalang negosyante na nagtaguyod ng isang 25 year old na BPO company na may mahigit 4,000 empleyado.